DA WHO? | Duda ni Misis, Bakla daw si Mister!
- kapamilyaonlinecom
- Jul 5, 2019
- 2 min read

Ang pagpapakasal ay isang banal na seremonya na pinagsasaluhan ng babae at lalaki na nangangakong mamahalin, aalagaan, at hindi iiwan ang isa't isa sa harap ng Diyos sa hirap at ginhawa. Isa itong sakramento na nagpapahiwatig ng pagkakaisa ng simbahan at ni Hesukristo na siyang bumabasbas sa mga ikinakasal. Habang iyan ang pananaw ng nakararami sa atin patungkol sa pag-iisang dibdib, ang iba naman ay tinitignan ang aspeto ng pagpapaksal bilang isang paraan para maka-ahon sa kanilang kasalukuyang estado at para mapabango din ang kanilang imahe sa publiko.
Noong pinakasalan ni Showbiz Wife (SW) si Eligible Performer (EP), inakala niya na magkakaroon na siya ng perpektong buhay. Matagal nang magkakilala si SW at si EP. Matatandaan din na inamin ni EP sa publiko ang kanlyang relasyon kay SW, bagay na napaka-bihirang gawin ng mga Showbiz Bachelors.
Pagkatapos ikasal ay inakala ni SW na gagawin ni EP ang kanyang responsibilidad bilang kanyang asawa. Pero, inamin mismo ni SW na kayang-kaya niyang bilangin sa kanyang mga daliri sa kamay na kung kailan lang naging aktibo at wild si EP sa kama. Inamin pa ni SW na palagi niyang sinisigurado na mabango siya at laging handa sa 'loving-loving'. Ngunit, wala daw pakialam si EP at palaging hindi interesado.
Isang beses ay tinanong ni SW si EP kung meron bang mali dahil napapansin niya sa kanyang asawa na hindi na ito gaano kainit pagdating sa pagtatalik nilang dalawa. Uminit daw bigla ang ulo ni EP at nagsimulang sermonan si SW na ang pagpapakasal ay hindi lang palaging tungkol sa sex. Bilang mag-asawa daw, dapat kinikilala nila ng mas malalim ang isa't isa. Nahiya tuloy si SW kay EP, naisip niya na baka ang tingin sa kanya ni EP ay manyakis siya.
Matapos masermonan ni EP si SW, sinubukan ni SW na ikuwento kay EP ang pag-uusap nila ng kanyang kaibigan, pero hindi na lang itinuloy ni SW ang kuwento at hindi na rin niya tinanong si EP sa kung ano ba talaga ang totoo. Ayon sa kuwento, may nakakita daw kay EP at sa kaibigan nito na kapwa performer din na pumasok daw sila sa loob ng GAY BAR after ng kanilang show abroad. Pero, noong mga panahon daw na yun, sabi daw ni EP kay SW na nagkasakit daw si EP at nanatili na lang sa loob ng kanyang kuwarto para magpahinga.
Habang si EP ay patuloy na tumatanggi at nawawalan ng gana sa pakikipag-talik kay SW, mas lalong nagdududa si SW sa buong katauhan ni EP. Ayon pa sa ibang sources, mino-monitor na daw ni SW ang lahat ng aktibidades ni EP para makakuha ng impormasyon at makumpirma daw lahat ng hinala ni Showbiz Wife (SW) tungkol sa sekswalidad ni Eligible Performer (EP).
SOURCE: Fashion Pulis
Comments