top of page

DA WHO? | "Laging Merong Paraan"

  • kapamilyaonlinecom
  • Jul 4, 2019
  • 2 min read

SOURCE: Fashion Pulis


Totoo nga talaga ang kasabihan na "Kapag gusto, palaging merong paraan". Kapag ang isang TV Network ay napusuan ang isang sikat na artista na gumanap sa isang karakter ng niluluto nilang programa, hindi na nila iisipin ang talent fee ng artista na ito, mapa-mahal man ang bayad o mura lang.


Kahit pa alam na ng karamihan sa industriya ang ugali at kung paano makisalamuha sa katrabaho itong si Particular Personality (PP), hindi pa din matatawaran ang angking galing nito bilang isang batikang aktres kahit saan pa mang TV Network siya mag-trabaho. Mapa-teleserye man o pelikula, palaging naiisip ng mga Production Team si PP na gumanap sa isang partikular na karakter. Kahit na anong karakter ang gampanan ni PP, ang nasabing aktres ay nag-iiwan ng marka sa mga ginampanan nito na hindi kayang pantayan ng mga sikat at naglalakihang artista sa panahong ito.


Noong nalaman ng Team Head (TH) na inalok si PP ng kalabang istasyon para sa isang teleserye ay kinailangan nilang mahikayat si PP na huwag tanggapin ang nasabing alok ng kalabang istasyon at imbes ay ang alok na lang ng kanyang kasalukuyang TV Network ang tanggapin at pirmahan. Gusto ni TH ng isang elegante at may-class na karakter para sa kanilang project na gagawin at si PP lang ang kanyang naiisip na nagtataglay ng ganung mga katangian. Mukhang nagustuhan ni PP ang alok ni TH at marami siyang naisip na magagandang ideya sa naturang project.


Makatapos tanggapin ni PP ang offer ni TH ay humingi agad ito ng napaka-taas na talent fee, kasama na ang budget ng kanyang designer wardrobe at maging ang kanyang glam team. "Take it or leave it" ang sinabi ni PP kay TH. Ikinagulat naman ni PP, kahit ang network personnel ang pagtanggi ng management sa request na talent fee ni PP. Gusto talagang makuha ni TH si PP dahil gusto niya na magkaroon ng kredibilidad ang niluluto niyang proyekto, ngunit para mangyari yun, kailangan ni TH si PP.


Mula sa Fashion Pulis: "Getting PP into the project also has another underlying objective for the network. With its resources, the production wants a huge share of the ratings, which will mean revenue via product placement, and most importantly, they want to give the competing show a run for its money. After all, payback time is just around the corner, as someone in the competing show needs a lesson on loyalty."

1 Comment


Conquilla Cristhine
Conquilla Cristhine
Jul 04, 2019

Cno yan

Like
bottom of page