Reaksyon Ni Seth Fedelin Tungkol Sa Bansag Sa Kanya Bilang Susunod Na Daniel Padilla At James Reid
- kapamilyaonlinecom
- Jul 4, 2019
- 1 min read

Binansagan si Seth Fedelin bilang ang susunod na Daniel Padilla at James Reid. Ito'y matapos siyang makatanggap ng mga papuri sa kanyang pag-arte sa hit teleserye tuwing hapon, ang Kadenang Ginto. Sa kanyang interview sa CinemaNews, tinanong ang aktor tungkol sa kanyang reaksyon na mapa-hanay sa dalawang sikat na aktor.
"Yung masabihan ka ng tao na kahawig mo si Daniel, si James Reid, siyempre ano sa pakiramdam na madikit yung pangalan mo sa kanila. Parang thank you... Sa akin naman po si Kuya DJ at James Reid, Daniel Padilla at James Reid na sila eh. Gusto kong bumuo ng sarili ko na parang tatawaging si Seth..." ani niya.
Ayon pa kay Seth, ang gusto niyang magaya mula kay Daniel Padilla ay ang pagiging isang instrumento para makatulong sa kanyang pamilya.
"Gusto kong sundan si DJ, gusto kong sundan yung narating niya, gusto ko magka-meron ng ganito, makatulong sa buong pamilya ko, sa mga kamag-anak ko. Gusto kong marating yun sa sarili kong paraan, sa sariling identity ni Seth." sabi pa niya.
Nang tinanong si Seth kung ano na yung mga nagbago noong naging isa na siyang aktor, sinabi niya na nakakatulong na siya para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
"May naiaabot na ako sa pamilya ko, kahit di ganon kalaking bagay, napag-gro-grocery ko sila mama, napapakain ko sa labas. May mga nabibili na rin ako sa mga kapatid ko..." sabi ni Seth.
Comments