top of page

500 AFP Soldiers, binigyang pugay ng ABS-CBN

  • kapamilyaonlinecom
  • Jul 4, 2019
  • 1 min read

Patuloy ang ABS-CBN sa pagbibigay pugay sa kasundalohan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy na nagbubuwis ng kanilang mga buhay upang protektahan ang bawat buhay ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas. Ginanap ang “Saludo sa Sundalong Pilipino” sa AFP Southern Luzon Command (SOLCOM) Post ng General Guillermo, Nakar, Lucena City, Lalawigan ng Quezon.


500 miyembro ng Armed Forces of the Philippines kabilang na ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay ang pinasaya ng ABS-CBN sa isang araw na puno ng kasiyahan, mga palaro at pakikisalamuha sa ilang mga bigating artista ng Kapamilya Network.


Ang Kadenang Ginto stars na sila Beauty Gonzales at Dimples Romana kasama sila Aljur Abrenica at Ejay Falcon ang mga nanguna sa palaro para sa mga tinaguriang "Mga Bayani ng Makabagong Panahon".


Samantala, ang "PBB Otso" Big Four Batch 2 na sila Andre Brouillette, Lou Yanong, Fumiya Sankai, at Yamyam Gucong kasama ang It's Showtime "GirlTrends" ang nagbigay ng song and dance number para sa ating mga sundalo. Naging host naman ng programa sila DJ Nikki ng MOR 101.9 at si Ahwel Paz ng DZMM. Nandoon din si ABS-CBN News reporter at anchor na si Jeff Canoy upang magpasalamat sa mga sundalo na patuloy na nagsasakripisyo para sa bansa.


Nagpasalamat din sila ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, at si ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes sa ating mga magigiting na sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.


Natapos ang nasabing programa sa isang maganang "Boodle Fight".


Original article from ABS-CBN PR:

Comments


bottom of page